Tago-Taguan Maliwanag Ang Buwan.1..2..3..Taya!! - ThrowBack Childhood Games

9 days ago

Naalala mo ba noong maliit ka pa. Hindi ka na halos umuwi dahil nasa labas ka pa. Naglalaro ka kasama mo mga pinsan, kapitbahay at mga katropa mo.Ganto ang kadalasang naririnig mo sa iyong nanay o lola:
"Oh, umuwi ka ha, bago mag alas sais, wag ka magpapa gabi at ikaw ay ma enkanto at tayo ay magro- rosaryo at pagkatapos ay hapunan. Huwag kang pahamog sa at baka ikaw ay magkasakit.

Ikaw naman, dali-daling uuwi bago mag alas sais na, baka mapalo pa.
Pero noon yon. Noon hindi ka na halos umuwi sa kakalaro sa labas.
Ngayon iba na ang panahon, halos ikaw na ang nagpapalabas sa anak mo para maglaro lang sa labas. Ganito ang linya ngayon:

"Lumabas ka!! Kanina ka pa dyan sa computer ah, addict ka na sa kaka computer, malilintikan ka sakin!"
Noon wala pang mga gadgets o mga abanseng teknolohiya.

Palagi kang nasa labas, nalanghap mo na lahat ng alikabok ay hindi ka pa rin nagkakasakit. Umaga, hapon pagkalabas mo sa eskwela laro agad ang hinanap mo. Wala kasing tv noon, radio lang nakikinig ka pa sa drama tuwing alas otso ng gabi. Swerte ka kung ang kapit-bahay mo mayroon, makikinood ka sa black and white na tv nila.

Gamit mong laro kung ano ano lang. Puro imahinasyon lang lahat. Naranasan mo ngang gumamit ng telepono gamit ang latang walang laman. Tapos bubutasan nyo lang yon dalawang lata na yon, para kunwari magtatawagan kayo. Yong mabahang tali pa nga eh,para abot kung saan. Aakyat ka pa ng puno para testingin kung gumagana.

O, naalala mo ang holen? Ibat-ibang kulay yon, ang gagawin nyo magbubutas kayo sa lupa. Yong maliliit na butas, tapos i-sho shoot nyo don ang holen. Minsan may kompetensya pa nga.

O yong teks kard na iniipon mo nalalala mo pa ba?
Bibili ka sa tindahan ng chichirya para maka ipon ng teks.
Paramihan pa nga kayo don eh. Mas marami mas sikat, maraming pang taya.

Eh ang bazooka na bubble gum? Nalala mo ba? Wala na ngayon non.
May mga kwento yon tapos iipunin mo. Ingles ba nakasulat don?
Iniipon mo din ang balat ng kendi na kumikinang. Gagawin nyong mga bulaklak o pang dekorasyon.

Minsan naman aakyat kayo ng puno para kunwari sina Jane at Tarzan.
Tapos don na din kayo tatambay lalo na kung puno ng mangga o bayabas.
Pag minalas malas nahuhulog ka pa, tapos dadalhin ka ni lola sa manghihilot. Pero baliwala lang din sayo dahil kinabukasan aakyat ka pa din sa puno.

Syempre ang sikat sa lahat, ang bahay-bahayan. Mangunguha kayo ng mga dahon ng niyog o saging, o kaya naman ay karton. Minsan nanakawin mo pa yong kurtina ni lola para kunwari may kurtina din ang bahay-bahayan. Kung sino yong matanda sya ang nanay at tatay at ang mga maliliit sya naman ang mga anak.

Grabeng imahinasyon ano?

Minsan naman, baril- barilin gawa sa sanga ng bayabas.
O kaya naman tirador para makatirador ka ng ibon.
O kaya magpa praktis kunwari kayo mga shooter, pagalingan kung sino ang mas sharp shooter.

Ang isa sa mga larong gusto mo doon lalo na kung sa probinsya ka ay tago-taguan. Maghahanapan kayo sa dilim, takutan pa nga minsan sa kakatago mo, nadadapa ka pa. Ito yong gustong gusto mo kasi tumutili ka kapag nahuhuli ka. At nagkakatakutan lalo na kung bilog ang buwan.

Minsan naman dahil sa kakalaro mo nagiging malapit ka sa iyong kaibigan. Naiiyak ka pa nga minsan kung natutukso kang "Oy, inlab yan, Oy inlab sila oh" Maiinis ka dahil sa tukso. Pero balewala lang sa inyo, kahit nagkakatampuhan dahil kinabukasan magkaibigan uli kayo.

Noon, wala kayong chalk. Ang ginagamit nyong pang drawing uling na galing sa kusina. Mag drawing ka sa papel o kaya naman sa pader o dingding ng bahay. Napapagalitan ka at nakukurot ka pa sa singit o pengot sa tenga kapag ikaw ay umulit.
Gasgas, sugat, pilay at bukol yan ang mga regalo mo sa pag uwi sa bahay.
Ang dungis dungis mo, maghuhugas ka lang ng paa o kamay tapos kinabuksan na ang liguan. At minsan kung ikaw ay napapaway ito naman maririnig mo sa iyong tatay o kapatid.

"Wag na wag kang uuwing umiiyak, lumaban ka, wag ka papatalo kung hindi malintikan ka sakin,basta wag ka lang mangunguna!!"

Natatawa ako habang sinusulat ko ito. Lahat ng mga sinulat ko sa itaas ay naranasan ko. Bukod sa chinese garter, luksong tinik, piko,sungka patintero at kung ano ano pa. Yong paglalaro ng barbie hindi uso yon sa probinsya lol wala kami non.

Masarap maglarong maghapon at hanggang magdamag.
Kahit na tumanda na ako nakikipag laro pa din ako sa mga bata.
Ngayon malalaki na sila. Iba na ang mga barkada. Tsk ..ang bilis ng panahon. Kung pwede nga lang bata ka pa rin at naglalaro, na walang inisiip na problema.

Ang anak ko naransan den yan halos lahat, madumihan, gumulong gulong ok lang. Hinayaan kong maging bata, dahil minsan lang tayong maging bata. Wag kayong matakot namadumihan o gasgasan, dahil doon sila titibay.

Ikaw, anong laro ang naranasan mo noon? Nadapa, nabaliaan ka din ba sa kalalaro? Sigurado ako tumatawa ka dahil isa sa mga iyan ay naranasan mo..

Hanggang sa muli! Sana ay napangiti ko kayo.

When I was young I used to play a lot outside. There was no TV at all. You were lucky when your neighbors had a black and white TV. We used our imagination a lot, making telephones out of empty cans. I remember using a thread to connect them, pretended that you could hear each other. We made real houses (little ones) out of banana or coconut leaves, used it as a roof, walls etc.

We climbed trees a lot, fell many times, but never stopped me from climbing again and again. We used to play cards, like Pokemon cards but a smaller version. Playing with the marbles was also fun, we dug holes in the ground and shot the marbles there. It's like playing billiards, (without using the sticks) We had no chalks, we used charcoals for drawings on the wall.

My cousins, playmates and I were never sick, even though we inhaled all kind of dirt outside. We got home dirty, with bruises and bumps. Our grandparents/parents didn't mind that at all.

But nowadays, it's so much different than before, because of the advanced technology.

We only get one chance to be a child. Let our children experience it. Don't be afraid that they will get dirty or sick. Even though I'm old now, I still play with them if they want to, but now they are all grown up. We let our son play outside get dirty, roll all over the place and have fun.

Let them enjoy being a child. How about you? What kind of games did you play? Do you feel sometimes that you want to be a child again with no worries and problems?

https://steemit.com/pilipinas/@sunnylife/tago-taguan-maliwanag-ang-buwan-1-2-3-taya-noong-ako-y-bata-pa-throwback-childhood-games

Gratefuvibes Discord Channel https://discord.gg/ckGqMG
Zeal Discord Channel https://discord.gg/Vq6rep

Yours truly,
The village girl @sunnylife

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE WEKU!
Sort Order:  trending

@sunnylife thank you very much for making me travel back in time to my childhood, while I read your post, it was like being a child again
Many sgarcias for this beautiful feeling
I wish you unprospero day

·

thanks so much, my friend.
good memories are coming back:):)
Thanks for stopping by.
Have a great day

Yan mga laro noon. gabi na kung uuwi

·

may pala den ba pag gabi na uwi? hehehe

thanks for your good content U&C #

image.png

oh, how I miss those pleasant times

·

me too :(::(
childhood memories:(
thanks samic.

Nice

Nakaktuwa naman ng memories ng kabataan na kwento mo @sunnylife. Parang time machine na bumalik ako sa kabataan ko. Napaka simple ng buhay natin noon. Uuwi ng bahay na amoy araw dahil sakakalaro pagkatapos ng klase. Jolen, lastiko at teks. Paramihan. Minsan awayan dahil natalo at nagkadayaan :) Salamat @sunnylife